Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee pinagpag injury sa tuhod

0 206

Team Standings W L
Magnolia 3 0
Meralco 2 0
NLEX 4 1
Ginebra 3 1
Alaska 3 2
Phoenix 3 2
San Miguel 3 2
TNT 2 2
Rain or Shine 2 3
Terrafirma 1 4
NorthPort 0 4
Blackwater 0 5

Mga laro bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
3:00pm — Meralco vs NLEX
6:00pm — Magnola vs TNT

ATAT nang makabalik si Calvin “The Beast” Abueva at Paul Lee sa matinding aksiyon matapos ang mahabang panahon na muling matengga dahil sa pagkaka-postpone ng umiinit noon na eliminasyon ng impot-reinforced na 2021 PBA Governors Cup.

Nagtulong sa huling laro sina Abueva na nagtala ng 13 puntos, 6 rebounds, 2 assists, steals at 1 block at si Lee na may 20 puntos, 4 rebounds, 3 assists at isang steal bagaman nagtamo ng jinury sa huling bahagi ng laban kung saan tinalo nito ang Barangay Ginebra, 117-94.

Ang panalo ay nagtulak sa Hotshots sa solong liderato sa malinis na tatlong sunod na panalo na inaasahang pilit na poprotektahan nina Abueva at Lee kasama ang import na si Michael Harris pati na rin sina Ian Sangalang, Mark Barroca at Ruben Dela Rosa.

Nakabawi na din si Lee sa iniinda nitong knee injury na natamo nito habang nasa kampeonato ng Philippine Cup at muling nasaktan sa laban kontra Ginebra noong Kapaskuhan.

Hindi naman tumigil sa pagpapakundisyon si Abuena habang nagpapahinga ang liga kung saan madalas itong nagbababad sa gym para mag-weights habang abala din sa pamamahala ng kanyang mga restaurant.

Makakasagupa naman ng Magnolia Hotshots ang nagpalasap dito ng kabiguan sa nakalipas na kampeonatio na nalakuhan ng maiinit na sitwasyon para sa All-Filipno crown na hinablot ng TNT Tropang Giga. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.