Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee pasabog kontra SMB

0 60

NAGBAON si Paul Lee ng 32 points, 5 assists at 4 rebounds upang timunan ang Magnolia Pambansang Manok sa pagtagay sa San Miguel Beer, 100-90, sa 46th PBA 2021 PH Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga Linggo ng gabi.

Sa pagsampa ng Hotshots sa 8-3 win-loss record sa pagtapos ng kampanya sa elims, tumibay ang kapit nito sa third spot at may tsansang mag-Top 2 na may win-once incentive sa playoffs, depende sa magiging last game Meralco na may 7-2.

Related Posts

Laglag ang Beermen sa 6-4 sa kabila na may 20 points si Christian Jaymar Perez. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.