Una sa Balita

Lee napahinga ang tuhod, ganado vs. ROS

0 229

OPLAN: 2-ALL SA SEMIS

Semis Game 4 nga­yon: (Smart Araneta Coliseum)
7 pm – Rain or Shine vs. Magnolia Pambansang Manok

NAKAIWAS malubog sa 0-3 ang Magnolia Pambansang Manok sa PBA Philippine Cup semifinals nila ng Rain or Shine nang itak­bo ang 85-74 panalo noong Martes.

Nagkaroon ng limang araw na Lenten break, balik ang magkatunggali sa Smart Araneta Coliseum mamayang 7pm para sa Game 4 ng best-of-seven series.

“Medyo mahirap kung natalo kami tapos magbe-break,” pahayag ni Paul Lee pagkatapos ng panalo. “At least, ito ‘yun momentum naming nanalo kami, andiyan na. Malaking factor talaga itong break na nakuha namin.”

Nagsumite si Lee ng 16 points sa panalo, kinamada ni Ian Sangalang ang 12 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para ibalik sa laro at sa series ang Hotshots.

Malaking bagay din ang break, lalo sa Magnolia na nasagad sa quarterfinals.

Lalo kay Lee, sa buong playoffs ay iniinda ang nananakit na mga tuhod.

Tuwing matatapos ang laro, nakabalot ng ice ang dalawang tuhod.

“Kung pagsasamahin mo ‘yung 3 games dito (sa semis) saka ‘yung 3 games nung sa Ginebra (quarterfinals), parang naka-isang series na kami,” aniya.

Determinado silang makuha ang Game 3 bago magpahinga.

Si coach Chito Victolero, aminadong dehado pa rin ang Hotshots.

“Nakabalik lang kami pero lamang pa rin sila sa series,” giit niya. “Ang maganda lang dito is we have a chance. At least kahit paano naka-one win kami.”

Ngayon inaasahan ang mas sariwang mga binti ng Hotshots na sasabak para tangkaing ibuhol ang serye. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy