Una sa Balita

Lee naglalaway sa mga sapatos

0 554

Hindi makatiis ang tinaguriang “Lee-thal Weapon” na si Paul Lee na bisitahin ang kanyang mga paboritong sapatos dahil sa pagtuloy na pagkakasuspindi ng mga laro ng kanilang koponan habang masaya naman ito na nabibigyan ng oras ang kanyang pamilya dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong bansa.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Lee habang binibisita ang kanyang lalagyan ng koleksiyon ng mga sapatos at ang litrato ng kanyang pamilya habang nananatili sa loob ng kanilang kabahayan bilang pagtalima sa direktibang ipinasusunod ng pamahalaan.

“Man, I miss hooping 😔😥 Just checking on em’ 👀 I’m making sure that I give some quality time on them too 😍 #Nike #JustDoIt #Swoosh #StayAtHome,” sabi nito sa account niya na lethalweapon03.

Hindi makapaglaro ang lahat ng mga prangkisa sa PBA kabilang ang koponan ni Lee na Magnolia Hotshots matapos na muling maglabas ang Office of the PBA Commissioner na nagpapatuloy na suspendido ang mga praktis “until further notice.” (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More