Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee na-injury, Barroca swabe

0 226

Mga laro ngayon:

(Ynares Sports Center-Pasig)

2:00pm — Blackwater vs Phoenix

4:35pm — Meralco vs Alaska

SINALO ni Mark Barroca ang naiwang trabaho ng na-inured na kakampi na si Paul Lee upang bitbitin ang Magnolia Hotshots na mapanatili ang malinis na kartada sa pagtatala ng dominanteng 105-83 panalo kontra Terrafirma Dyip sa ginaganap na 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Nagtala si Barroca ng 16 puntos dagdag ang anim na rebounds, limang assists at isang steal upang tulungan ang Hotshots sa pagtatala ng ikaapat na sunod ntiong panalo at manatiling kapit ang solong liderato sa pinakaprestihiyosong torneo ng ika-46 taon na liga.

Nag-ambag si Ian Sangalang ng team high 18 puntos, 2 rebounds at 2 assists habang may 15 puntos, 1 rebound at 2 assist ang rookie na si Jerick Ahanmisi.

Tumulong din si Calvin Abueva sa 14 puntos, 8 rebounds at 3 assists at si Jackson Corpuz na may 12 puntos, 5 rebounds, 1 steat at 1 block.

Si Jio Jalalon ay may 10 puntos at 9 assists.

Hindi din naging pabigat sa Hotshots ang maagang pagkawala ni Paul Lee na iniulat na nagtala ng hamsring injury at tumapos lamang ng limang puntos, isang steal at isang block sa 11 minuto na paglalaro.

“Mabuti na lamang may bago kaming firepower na kasama kay Calvin (Abueva). Nasa isipan kasi namin na naging back-to-back final sa All-Filipino at may tsansa kami ulit sa conference,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero, na nagawa pantayan ang huli nitong paglasap ng 4-0 karta noong 2017.

“Aasahan talaga namin si Mark Barroca, with the absence of Paul. Konting injury pero precautionary measure lang para hindi lumala ang injury ni Paul, it is all abour our defense, proper mindset, and iyung three days na preparation na emphasis on mindset,” sabi pa ni Victolero.

Huling nakalapit ang Terrafirma sa walong puntos sa 61-69 sa ikatlong yugto matapos na maghabol sa kabuuang 22 puntos. Gayunman, hindi nito nakayanan ituloy ang atake upang malasap ang ikatlong sunod na kabiguan.

Pitong sunod na puntos ang ibinuhos ng Hotshots sa pagbubukas ng ikaapat na yugto bago nito itinaas sa malaking 26 puntos ang kalamangan mula sat res ni Ahanmisi sa 5:29 minuto ng laro sa iskor na 94-68. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.