Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee, Magnolia niresbakan TNT

0 191

NAKABAWI mula sa dalawang tambakang talo ang Magnolia, maagang nambulabog sa depensa para itakbo ang 106-98 win kontra TNT sa Game 3 ng PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor Linggo ng gabi.

Binigyan lang ng Hotshots ng 20 points ang Tropang Giga sa first quarter.

Balik ang angas ni Paul Lee, humarabas ng 21 points at inilapit ng Magnolia ang best-of-seven series sa 2-1.

Nagdagdag si Ian Sangalang ng 20 points, 7 rebounds, 5 assists at 4 blocks, may 16 points si Mark Barroca at 14 markers pa kay Calvin Abueva.

Inumpisahan ng Hotshots ang fourth quarter sa 13-0 run para dumistansiya 95-77 bago nakasagot ng long 2 si Mikey Williams 7:34 pa sa laro.

Tumapos si Williams ng 39 points mula 10 for 18 shooting sa 3s na bumasag sa dating 8 ni Calvin Oftana ng NLEX sa pinakamaraming naibaon sa labas ng arc.

Most points na rin ‘yun ng isang rookie sa PBA Finals game pagkatapos ng 42 ni Erik Menk para sa Tanduay sa Game 3 ng 1999 All-Filipino kontra Shell sa Ormoc City.

Game 4 sa Bacolor venue din sa Miyerkoles. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.