Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee, Magnolia kinalawang

0 174

SASAMANTALAHIN ng Magnolia ang ibibigay na 10-day full practice para magpatalas bago ang restart ng PBA Governors Cup.

Walang ensayo, siguradong maninibago muli sina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang at Calvin Abueva.

Mula nang itigil ang mga laro pagkatapos ng Christmas holidays dahil sa pagsirit ng COVID-19 infections, pinagbawal din ang 5-on-5 practice. Via Zoom ang group training at small group workouts na limitado sa apat na players, isang coach, support staff at safety officer.

“Iba Zoom sa court training,” paliwanag ni coach Chito Victolero. “Sa Zoom hindi mo nagagawa lahat ng talagang gusto mong gawin. Siyempre, iba pa rin 5-on-5.”

Bago ang break, inupuan ng Hotshots ang top spot sa 3-0 matapos ilampaso ang Ginebra 117-94 sa Manila Clasico noong Dec. 25.

“Higit one month na kaming ‘di naglalaro,” ani Victolero. “Even the players, ‘pag matagal na napahinga siyempre kinakalawang din ‘yan.”

Ganito rin ang nangyari noong Philippine Cup na nagsimula sa Ynares Sports Arena sa Pasig, natigil ng Aug. 1 bago tinuloy ng Sept. 1 sa Bacolor, Pampanga.

“Medyo nag-up-and-down kami roon, nag-struggle nu’ng una,” paalala ng coach. “’Yun ang natutunan namin. Lagi naming pinapaalala sa kanila ngayon na hindi dapat mawala sa kondisyon at how to recover quickly.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.