Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee, Hotshots umahon sa hukay

0 176

HINDI hinayaan ni Paul Lee at import Mike Harris madungisan ang kartada ng Magnolia Hotshots matapos umahon sa maihirap na 112-109 panalo kontra NLEX Road Warriors sa nagbabalik na eliminasyon ng 2021 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Iniahon ni Lee sa pagtatala ng kabuuang 21 puntos dagdag ang 2 rebounds, 4 assists at 1 steal ang Hotshots sa paghahabol sa 14 puntos na pagkakaiwan bago sinandigan ang import na si Harris para siguruhin ang panalo sa huling 12 segundo para sa conference best start ng Magnolia na limang sunod na panalo.

“Credit doon sa second group namin, sila talaga ang nag-angat sa team namin makabalik. Malayo pa ang laban kahit five-zero record namin. Marami pa ang mangyayari,” sabi lamang ni Lee na nagselebra ng kanyang ika-33 kaarawan noong Pebrero 14.

Nagtala si Harris ng team high 31 puntos, 10 rebounds, 2 assists at 1 steal kahit nalimita sa foul trouble sa ikatlong period bago bumawi sa ikaapat kung saan ibinuhos ng Hotshots ang 15-4 run tungo na sa pagbibigay kay Magnolia coach Chito Victolero ng kanyang best ever conference start.

May pagkakataon ang Road Warriors na maagaw ang kalamangan sa 32.4 segundo matapos na ma-foul sa tres ang rookie na si Matt Nieto.

Gayunman, sumablay ang dating Gilas member sa kanyang tatlong free throws tungo na sa ikatlong sunod na kabiguan ng Road Warriors sa loob ng pitong laro. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.