Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee hayahay sa Boracay

0 105

TALAGANG sinulit ng Magnolia Hotshots veteran guard na si Paul Lee ang bakasyon nito sa Boracay, halos isang linggo din si Lee nagpakasarap at nag-relax sa ‘Island Paradise’ kasama ang misis na si Rubie at anak na si Tokyo.

Aktibo si Lee sa pagbabahagi ng kanilang mga larawan habang nasa bakasyon.

“Memories are very special because they never come back. I love you so much mommy and Tokyo,” caption ni Lee.

Pero hindi rin nawala ang kaharutan ng tinaguriang ‘Angas ng Tondo’ sa isang post nito na may kinalaman sa kanyang esmi.

“Pag-ahon ng misis mo all eyes on her dapat,” banat ni Lee.

Inaasahang balik-ensayo na si Lee pagkatapos ng bakasyon bilang paghahanda ng Magnolia sa ika-47 seaon ng PBA. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.