Una sa Balita

Lee, Gilas niyari ang Ivory Coast

ANGAS!

0 250

WINALIS ng Gilas Pilipinas ang dala­wang tune-up matches sa Palacio Multiusos de Guadalajara sa Spain, huling biktima ang Ivory Coast 94-83 nitong Huwebes.

Miyerkoles ay ibinaon ng Filipinos ang Congo 102-80.

Kontra Ivory Coast, si Paul Lee naman ang nagpakitang-gilas sa second quarter nang pangunahan ang ahon ng Natio­nals mula 28-19 hole pagkatapos ng opening period.

Sa second half, nambarako si naturalized Andray Blatche sa nilistang 11 points para agawin ang manibela 79-75 papasok ng fourth.

Mula roon, hindi na bumitaw ang Pilipinas.

Kumonekta ng 3 for 7 mula 3-point range si Blatche tungo sa 18 points, namigay pa ng 10 assists. Tumapos si Lee ng 16 markers mula 3 for 7 shooting sa long distance, maangas na umayuda ng 12 at 11 points sina Japeth Aguilar at CJ Perez.

“We scored 34 points in the third quarter to take the lead for good after 36 minutes of play,” pahayag ni assistant coach Ryan Gregorio, ayon sa PBA website.

Bumalik ng Madrid ang Nationals bago tutulak patungong Malaga para sa four-nation pocket tournament.

Sa isang match ang Pilipinas at Congo muli, sa kabila ang Ivory Coast at host Spain. Magtatagpo ang winners ng magkabila sa susunod na match.

Hindi naglaro kontra Ivory Coast si Gabe Norwood na inabot ng mild groin strain sa laro laban sa Congo. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy