Una sa Balita

Lee, Duke karipas sa Davao duathlon

0 176

ITINAKBO nina Jakub Langhammer ng Czech Republic at Dimity Lee Duke ng Australia ang mga korona sa pro division ng first Penong’s 5150 na nauwi sa duathlon event nitong Linggo sa Davao City.

Fourth lang si Langhammer tapos ng first leg ng 2.5km run-40km bike-10km run.

Unang ikinasa ang Olympic distance 1.5k swim-40k bike-10k run race, kinansela ng organizing Sunrise Events, Inc. ang opening leg dahil sa kalidad ng tubig sa swim stage.

Ipinoste ng Czech ang fastest time na 00:57:28 sa bike stage para ungusan ng higit 3 minutes si Kiera McPherson ng New Zealand. Ibinulsa ni Langhammer top purse $2,000.

Sa women’s, maagang umarangkada si Duke para magtuloy sa panalo sa tiyempong 2:02:10, kasunod si Laura Wood ng New Zealand (2:09:02). (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy