Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lee-Bolick swap malakas ugong

0 217

HINDI naapula ang usok sa posibleng maganap na mga trade sa nalalapit na muling pagbubukas ng naantala na eliminasyon ng 2021 PBA Governors Cup.

Ito ay matapos na mag-init ang usapan na posibleng bitiwan ng Magnolia Hotshots ang isa nitong superstar player na si Paul Lee sa isang one-on-one trade sa papaangat na si Robert Bollick ng NorthPort Batang Pier.

Ito ay napag-alaman sa isang source na player’s agent na abala sa pagsasagawa na maikuha ng koponan ang mga hawak nitong manlalaro na nasa unrestricted free agency.

Una nang napabalita ang hinahangad na lima-kataong pagpapalitan kung saan mapupunta sa Hotshots sina Robert Bolick at Greg Slaughter kung saan makakapalitan nito patungo sa Batang Pier sina Lee, Jackson Corpuz at Russel Escoto.

Patuloy naman naghihintay ang 12 koponan para sa inaasam na pagpapatuloy ng naudlot na eliminasyon ng ikalawa at huling komperensiya ng liga matapos na mahinto dahil sa pagdedeklara ng Alert Level 3 na estado sa NCR dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron virus. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.