Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lechon Festival sa Talisay umarangkada na

0 135

Nagsimula nang ipagdiwang ng Talisay City ang Lechon Festival, kahapon.

Sa ulat ay sinimulan na ang paglatag ng mga lechon sa labas ng Barangay Poblacion Church kung saan magiging available lang ito sa takeout para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao o mamimili.

Ayon sa punong barangay ng Poblacion na si Edward Alesna, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkakalat ng mga tindero sa naturang lugar bilang bahagi ng safety protocols.

Ang Lechon Festival ay bahagi na ng selebrasyon ng Talisay tuwing pista ni St. Teresa De Avila. (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.