Una sa Balita

LeBron tengga pa ng 3 laban

Sakit sa bangs!

0 605

UMAAYOS na ang galaw ni LeBron James pero hindi pa siya binibigyan ng go-signal para lumaro.

Christmas Day sa panalo ng Los Angeles Lakers sa Golden State nang abutin ng left groin injury si James.

Ayon sa inilabas na update ng team, tatlong laro pang mawawala ang kanilang superstar.
Huwebes ay ni-re-evaluate ng team medical staff si James.

“The healing of James’ groin injury is progressing and James has been cleared to increase on-court functional basketball movements. A further update will be provided on January 16,” anang statement ng Lakers.

Posibleng humaba pa sa tatlong laro ang pagliban ni LeBron, depende sa progreso ng paggaling ng injury.

Sa Jan. 16 ay dadayo ng Oklahoma City ang Lakers para laruin ang Thunder kinabukasan. Maaaring makalaro doon si James.

Sakaling makakabalik kontra Thunder, 11 larong absent si James – pareho ng dami ng larong pagliban din ni Stephen Curry sa katulad na injury sa kaagahan ng season.

Habang wala si James, 3-5 ang Lakers, nasa eighth spot sa Western Conference.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy