Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LeBron sinagip ang Lakers

0 293

HALATANG na-miss din ng players ang live action ng NBA.

Ilang stars ang pinakitang nanood sa Disney World venue sa Orlando para panoorin ang laro nina LeBron James, Anthony Davis at Lakers laban kina Kawhi Leonard, Paul George at Clippers sa pangalawang laro ng restart nitong Biyernes.

Ilan sa mga nahagip ng camera sina Damian Lillard, Chris Paul, Carmelo Anthony.

Nag-take charge si LeBron sa dulo para itakas ang Lakers sa 103-101 panalo.

Matapos itabla sa 101-101 ng long 3 ni George ang laro, binigay ang bola kay James at umatake.

Umangat si James sa gilid ng free throw line, tumama sa bibig ng rim pero sinundan niya ang sariling rebound at ibinalik ang bola sa basket 103-101, 12 seconds na lang.

Mula sa timeout, binulabog ni LeBron ang dalawang pamato ng Clippers.

Hindi nakaporma si Kawhi dahil hindi hiniwalayan ni James.

Napunta kay George ang bola pero hindi rin makabitaw ng disenteng tira dahil nasa harap niya si LeBron. Malakas na ang tira ni George sa buzzer.

Pinaglaruan ni LeBron ang triple-double sa 16 points, 11 rebounds at 7 assists. Nasundutan sa mata si George noong scrimmage games pero nag-start at tumabo ng 34 points, 8 rebounds. May 16 markers pa si Kyle Kuzma.

Nanguna ang 30 points ni George sa Clippers, tumapos si Kawhi ng 28. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.