Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LeBron rumesbak kay Curry, Warriors

0 98

Maagang nag-init ang Los Angeles Lakers, nakapagpundar agad ng 20-point lead pagkatapos ng first quarter at nagtuloy para ilampaso ang Golden State Warriors 117-91 sa Staples Center Linggo ng gabi.

Naiganti ng Lakers ang 115-113 loss sa Warriors noong Jan. 18 nang mag-rally sa fourth ang Golden State para burahin ang 14-point deficit.

Sa rematch, wala pa ring Anthony Davis ang LA pero kumana ng 19 points, 6 rebounds at 4 assists si LeBron James. Umayuda ng 13 points at 8 rebounds si Markieff Morris humalili sa puwesto ni Davis.

May double-double na 12 points, 11 rebounds si Kyle Kuzma, nagsumite ng 12 points at 6 assists si Dennis Schroder sa pangalawang laro matapos lumiban ng apat dahil sa health protocols.

SM food to go Banner Ad

Inabot ng left ankle sprain si Draymond Green sa second quarter at hindi na bumalik matapos magsumite ng 6 points sa 13 minutes para sa Warriors.

Matamlay na 16 points, 4 rebounds at 7 assists ang kinaya ni Stephen Curry. May 18 points si Eric Paschall sa Golden State.

Milya-milya na ang laro ng Lakers, tumagal na lang ng 24 minutes sa loob si LeBron sa kanyang 1,300th regular season game – 23rd player na sumalang sa ganito kadaming laro. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.