Una sa Balita

LeBron pumalag sa miron

0 376

UGALING buskahin at alaskahin si LeBron­ James sa Chicago – o mas malamang, kahit saan siya dumayo.

Sa sobrang galing ng The King, lahat ginagawa para mawala ang focus niya sa laro.

Nitong Martes, hindi naiba ang senaryo. May mga miron na nang-alaska kay James.

Hindi malinaw sa video ng Yahoo Sports kung ano ang sinabi ng fan, pero mukhang nakuha ang atensiyon ni LeBron. Bumuwelta ang superstar.

“Your lady embarrassed to be with you,” ganti ni James habang pabalik-balik sa dulo ng bench.

Pati si Anthony Davis, natawa nang marinig ang sinabi ng kakampi. Kahit si DeMarcus Cousins na nakaupo sa bench, mukhang nabigla at napalingon sa miron.

Pero todo-ngiti si LeBron, hindi naman ‘yung tipo na makikipagsagutan pa o maghahamon ng away.

Nilista ni LeBron ang pangatlong sunod niyang triple-double na 30 points, 10 rebounds at 11 assists sa 118-112 panalo ng Lakers kontra Bulls. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy