Una sa Balita

LeBron pinasusuka ng $33M sa pagnanakaw

0 525

DAHIL sa simpleng ‘slogan’, ­nauwi ito sa limpak-limpak na multa at kasuhan.

Ganito ang sinapit ngayon ni Los Angeles star LeBron James.

Ito ay matapos siyang akusahan ng pagnanakaw ng “I Am More Than An Athlete” slogan ng isang youth organization.

Nahaharap ngayon sa kaso si ‘The King’ nang maghain ng legal action ang ‘Game Plan’ laban sa NBA superstar nang nakawin at gamitin umano nito nang walang pahintulot ang nasabing quote.

Ayon sa Game Plan, taong 2016 pa umano nila ginagamit ang trademark kung saan naging opisyal na nila itong pagmamay-ari noong 2018.

Ginamit daw ang nasabing slogan ni LeBron para sa kanyang Uninterrupted media brand mula sa Maryland-based non-profit company.

Dahil umano sa copyright violation, pinagbabayad ng Game Plan si LeBron ng mahigit $33 million o katumbas ng tumataginting na P1.6 bilyon.

Ayon pa sa nagdemanda ay may pruweba silang nakita ni James ang quote sa t-shirt na naisuot noong 2017 kung saan nagkampeon ang Cavaliers sa NBA.

May mga picture pa umano na makikitang suot ito ng mga empleyado kasama si John Wall pagkatapos ng laro.

Nakasaad pa sa reklamo na “attendance at the game gave Game Plan tremendous exposure, as it was able to gain attention from John Wall in front of his peers including the (arguably) most famous athlete in the world, as a member of the Cleveland Cavaliers, at the time, Lebron James.” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More