Una sa Balita

LeBron pinakita ang tahanan sa milyones niyang panatiko

0 709

DINALA ni LeBron James ang milyones niyang followers sa loob ng kanyang tahanan sa Los Angeles Huwebes ng gabi.

Nag-Instagram live si LeBron kasama ng pamilya habang naglalaro ng cards o baraha.

Inabot ng 45 minutes ang video.

Sa haba ng session, maraming napasadahan si James.

Kabilang rito ang Game 6 ng 2012 Eastern Conference finals nang bitbitin niya ang Miami Heat laban sa Boston Celtics.

Kapag natalo sa road, tapos ang season ng Heat. Iniisip ni LeBron noon, kapag nasipa sila ay babasagin na ni Heat president Pat Riley ang Big 3 – LeBron, Dwyane Wade, Chris Bosh.

“My mentality was if we lose, Pat Riley will break us all up. And I didn’t want that,” ani LeBron.

Tumabo siya ng 45 points at 13 rebounds sa isa sa pinakamaangas na performance ng career at nanalo ang Heat para ibalik sa Miami ang Game 7. Nagtuloy ang Heat sa Finals at tinalo sina Kevin Durant, Russell Westbrook at Oklahoma City Thunder.

‘Yun ang una sa back-to-back championship ng Miami.

May tinatagay siyang wine.

At nabanggit ni LeBron ang paborito niyang wines at sneakers.

Halatang natuwa si LeBron sa IG live, dahil bago tinapos ay nagsalita. O baka mas maraming panahon ngayon dahil suspendio ang NBA bunga ng coronavirus disease.

“I might do this more often, man,” aniya. “Going to be quarantined for the next 12, 13 days.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More