Una sa Balita

LeBron pinagulong si Curry sa socmed

0 324

MILYON-MILYON ang lamang ni LeBron James kay Stephen Curry sa mga NBA superstar na may pinakamaraming followers sa social media, ayon sa Forbes.

Halos 70 million ang lamang ng Lakers star sa kamador ng Golden State Warriors.

Nasa 51 million daw ang followers ni LeBron sa Instagram at 43.4 sa Twitter.

Si Curry ay may 26.7 million followers sa Instagram, 13.6 million sa Twitter.

Sa NBA ay milya-milya ang layo ni James sa mga kasabayan. Sa sarili niyang bahay, may humahabol na kumpetisyon.

Ang 14-anyos niyang anak na si Bronny na nakikilala na rin sa mundo ng basketball ay humamig na ng 2.9 million followers sapul nang gumawa ng Instagram account noong May.

Nasa pangalawang season na niya sa La-kers si LeBron ngayog 2019-20, may tandem na siyang maangas din kay Anthony Davis.

Sa unang season sa LA, nag-average si LeBron ng 27.4 points, 8.5 rebounds at 8.3 assists sa 55 games.

Lumiban ng 17 straight games ang four-time MVP nang abutin ng groin injury kontra Warriors noong Dec. 25. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy