Una sa Balita

LeBron naka-TD sa bagong sapatos

0 450

PINASILIP ni LeBron James ang bagong labas niyang ‘Tune Squad’ Nike LeBron 17 Low sa Pepsi Center sa Denver nitong Miyerkoles.

Kulay puti, purple ang sintas at may ganoong kulay din sa sides, red ang pang-ilalim. Fur pa ang swoosh logo.

Tamang-tama para kay Bugs Bunny at mga kaibigan sa Looney Tunes.

May ‘What’s Up Doc?’ na naka-print sa ilalim ng dila, at ang Tune Squad logo sa talampakan.

Sinulatan pa ni James ng “What’s Up Doc?” “James Gang” at pangalan ng mga anak.

Pangalawang pares ng sneakers ‘yun mula sa upcoming movie ni LeBron, ang ‘Space Jam 2’ na ire-release sa July.

Ang una ay ang line ng mga kontrabida sa movie na ‘MonStars’ LeBron 17 na ipinasilip noong January.

Inaasahang ire-release ang MonStars at Tune Squad sneakers ngayong NBA All-Star Weekend.

Parang bagong langis na makina si LeBron sa bago niyang sneakers, tumabo ng 32 points, 12 rebounds at 14 assists para bitbitin ang Lakers sa 120-116 overtime win laban sa Nuggets. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More