Una sa Balita

LeBron nagbabatak sa parating na season

0 270

NITONG offseason, walang masyadong paramdam si LeBron James.

Nag-iingay lang siya sa Instagram kapag pino-post ang videos ng kanyang mga anak, lalo ang mga laro ni Bronny na sinundan pa niya hanggang China.

May isa pa siyang video kamakailan na handa nang lantakan ang mga nakahilerang pagkain sa kanyang ‘Taco Tuesssssssday’.

Higit isang buwan bago magsimula ang preseason camp, pinakita ni LeBron ang kanyang workout.

Mukhang binitawan muna ang pagiging ‘stage daddy’ para simulan ang pagpapakondisyon.

Nitong Miyerkoles, nag-post ang The King ng kanyang workout video. Nasa gym, nagsu-shooting at umaatake sa basket.

Nilagyan pa niya ng #WashedKing — patungkol sa mga tumatawag sa kanya nito na nagsasabing tapos na raw ang kanyang kapanahunan.

Caption ni LeBron: “Sharpening the (knives). Daily battles coming in the near future.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy