Una sa Balita

LeBron may super power!

0 378

MAY super power daw si LeBron James, ayon sa dati niyang teammate na si Iman Shumpert.

Kakaiba raw ang kaalaman ni LeBron sa laro. Kabisado niya bawat detalye.

Ang powers ng The King, kung paano niya ibinabahagi ang kaalaman at kung paano nakukumbinse ang iba – lalo ng mga kakampi.

“He has to share basketball knowledge with people,” pahayag ni Shumpert sa Vlad TV. “It might be his biggest superpower, his ability to get everybody on the same page. Like it’s actually kind of scary. He can explain this game forward and back.”

Sa mga press conference, hindi miminsang nire-recite ni LeBron ang plays na parang nire-replay sa kanyang utak. Bawat galaw, kabisado niya – bagay na ikinamamangha ng reporters.

Sino nga ulet si Shumpert?

Kasama siya nina LeBron at Kyrie Irving sa Cleveland Cavaliers team na sumikwat ng NBA title noong 2016.

Binura ng Cavs noon ang 3-1 deficit sa Finals para agawan ng panalo ang Golden State Warriors na 73-9 noong season na ‘yun. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More