LeBron lumala ang injury, kuwestiyonable sa season-opener

By

Nagising si LeBron James na masakit ang kaliwang paa kinabukasa­n matapos umiskor ng 17 points sa una niyang preseason appearance na natapos sa 108-94 loss ng kanyang Cleveland Cavalier­s sa Chicago.

Kinumpirma na ni Cavaliers coach Tyronn Lue na hindi magpa-praktis si James sa Huwebes, at lalong hindi na lalaro sa Biyernes sa last preseason game ng Cleveland kontra Orlando.

Ang nakakabahala­, kuwestiyonable pa si James kung makakalaro sa Oct. 17 (Oct. 18, Manila time) sa regular season opener laban sa dating kakam­ping si Kyrie Irving at Boston Celtics.

Noong Sept. 27 ay i­nabot ng left ankle sprain ang 32-anyos na si James, nawala sa halos lahat ng session sa preseason workouts at tatlong preseason games.

“Pretty mad, pretty pissed off,” sagot ni Lue nang matanong kung ano ang reaksiyon ni James sa paglala ng injury. “But I mean, it is what it is.”

Walang sablay si LeBron sa bawat season opene­r sa loob ng 14 na taon sa NBA.

Kontra Magic, gagawing starter ni Lue si JR Smith palit kay James, at isisingit si Jose Calderon sa lineup. 

SHARE