Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LeBron, Lakers pinagbigyan OKC

0 406

Ilang laro na lang playoffs na ng 2019-2020 National Basketball Association (NBA) season.

Swak na sa No.1 ang Los Angeles Lakers sa Western Conference kahit may nalalabi pang mga aksiyon.

Pigil ang laro nina four-time Most Valuable Player (MVP) LeBron James at Anthony Davis nang matalo sila sa Oklahoma City Thunder, 86-105, kahapon sa restart ng NBA.

Nilimitahan ng head coach ng Lakers ang minuto sa paglalaro nina James at Anthony kumpara sa mga naunang laban ay halos walang labasan sa court ang dalawa.

Kumana si Chris Paul ng 21 points, pitong rebounds at anim na assists para sa Thunder na gumanda ang karta sa 42-25 panalo-talo.

Sumalo ang OKC sa Houston Rockets sa No. 5 sa WC.

Nanatili naman sa unahan ng West ang Lakers tangan ang 51-16 record. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.