Una sa Balita

LeBron, Lakers, NBA pinagkaisahan si Melo

0 364

NAGPAPAYPAY ng intriga at kontrobersiya ang dating NBA player na si Royce White nang sabihin nitong ‘blackballed’ si Carmelo Anthony kaya walang mapuntahang team.

Pati si LeBron James, nadamay.

Blackball – pinagkakaisahan para i-reject.

Point-forward dati si White, 18th pick ng Houston Rockets noong 2012 pero hindi siya nakalaro sa NBA.

Sa Dallas bago ang BIG3 game, natanong si White tungkol sa kaso ni Anthony na free agent pa rin, walang gustong kumuha.

“Melo is absolutely being blackballed,” ani White, via Fanatics View. “He’s one of the realest. … He’s given too much to the game for them not to allow him to play or for them to kind of culturally just make an agreement that he’s not good enough anymore.”

Naka-10 games lang si Anthony sa Houston noong nakaraang season bago binitawan. Hindi rin siya pinapirma ng Chicago Bulls.

Binaterya pa ni White si James at ang Lakers dahil hindi raw nila kinuha si Anthony habang nagha-hanap ang team ng mga piyesang isasahog kina LeBron at Anthony Davis.

Hindi raw maisip ni White kung bakit binigyan ng LA ng one-year deal si Jared Dudley sa halip na kunin si ‘Melo.

“Another question is, when a guy like LeBron is walking around out here like he’s the face and voice of the players, how is he letting his banana boat brother hang out there in the wings and go sign Jared Dudley and not Carmelo,” punto ni White.

(VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy