Una sa Balita

LeBron James gustong ugatan bilang Lakers

0 558

KUNG si LeBron James ang tatanungin, gusto niyang tapusin ang basketball career sa Los Angeles bilang miyembro ng Lakers.

Ayaw na raw niyang umalis.

Sa kauna-unahan niyang Instagram Live broadcast noong Huwebes, may nagtanong kay James kung anong team ang hindi niya paglalaruan.

“What NBA team would I never play for? I’m still playing, man,” aniya.

Ayaw niyang magbanggit, pero wala na raw siyang ibang gustong lipatan.

“Hey, I’ve got to keep all my options open, man,” dagdag ni LeBron. “But right now I’ll tell you one thing. I don’t want to go nowhere besides be here, baby. Be a Laker for the rest of my life.”

Edad 35 na si James, nasa 17th season na niya sa liga. Kung gugustuhin niyang lumipat, pag-aagawan pa rin siya.

Maangas pa ang inilalaro, instrumento si LeBron kaya No. 1 sa Western Conference ang Lakers sa 49-14. Playoff-bound na si LeBron at ang Lakers, pero sinuspinde ang nalalabi pang NBA season dahil sa coronavirus.

Naka-self isolation ang players. Dalawang players daw ng Lakers ang positibo sa COVID-19 pero hindi pinangalanan.

Ipinaalala ni Dan Feldman ng NBC Sports na nang bumalik si James sa Cavaliers noong 2014, sinabi rin niyang dito na niya tatapusin ang career.

“I always believed that I’d return to Cleveland and finish my career there,” pahayag raw ni James noon sa Sports Illustrated.

Sinuportahan ito ni Feldman ng isa pang claim na noong 2017 ay sinabi ni James na hindi nagbabago ang plano niyang manatili sa Cleveland.

Pero sa sumunod na taon, nag-impake na siya at naglipat-bahay sa LA. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More