Una sa Balita

LeBron, Ingram, Lakers pupundihin ang Rockets

0 534

BALIK sa praktis ang Los Angeles Lakers pagkatapos ng NBA All-Star weekend para palakasin ang habol sa playoffs.

Unang asignatura ni LeBron James at ng Lakers ang Houston Rockets ngayon.

Tatlong laro ang Lakers (28-29) sa likod ng LA Clippers (32-27) sa eighth at final spot sa Western Conference. Nasa pagitan nila ang Sacramento (30-27).

Magkukumahog sa huling 25 games sa regular season ang LA para hindi kapusin, pero isyu pa rin sa team ang injuries.

Nakabalik na si James, pero wala pa si Lonzo Ball (grade 3 ankles sprain).

Tumatakbo-takbo na raw si Ball sa underwater treadmill pero hindi pa nag-eensayo sa team.

Posibleng sumalang sina Josh Hart (knee tendinitis) at Mike Muscala kontra Rockets­, pero kuwestiyonable si Tyson Chand­ler. Hindi nagpraktis nitong Miyerkoles si Chandler dahil sa iniindang stiff neck.

Mula nang ma-injure si Ball noong Ebero 19 ay 4-6 weeks ang binigay na timetable ng balik.

Habang wala siya, tuloy ang kapit ng La­kers sa bagong starting lineup ni coach Luke Walton kina Brandon Ingram sa starting guard, Reggie Bullock, Kyle Kuzma, James at JaVale McGee. Si Rajon Rondo ang namumuno sa second unit.

Ayon kay Walton, kailangan lang ng mas matindi pang defensive effort para maikasa ang final push sa playoffs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy