Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LeBron hinamon sa pabuya

0 81

May challenge ang Los Angeles County Sheriff kay Lakers star LeBron James.

Hamon ni Sheriff Alex Villanueva, tapatan ni LeBron at doblehin ang reward money na inilaan para sa makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa gunman na nang-ambush sa dalawang police deputies nitong weekend.

Sa KABC Radio, sinabi ni Villanueva na umabot na sa $175,000 ang reward money – $100,000 na donasyon ng county at $75,000 mula sa dalawang pribadong indibidwal.

“This challenge is to LeBron James. I want you to match that and double that reward,” ani Villanueva. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.