Una sa Balita

LeBron fan ni SpongeBob

0 501

SA unang pagkakataon, nag-broadcast ng Instagram Live video si LeBron James noong Huwebes ng gabi.

Nasa bahay lang siya habang naka-self quarantine matapos suspendihin ng NBA ang nalalabi pang season dahil sa coronavirus.

Kasama niya ang asawa, tatlong mga anak at ang pet dog. Masaya ang mag-anak habang naglalaro ng baraha.

Kung anu-ano ang natanong kay James, game naman niyang sinagot ang ilan.

May humirit na gustong malaman kung ano ang pinapanood niyang children’s show.

“I love SpongeBob,” nakatawa niyang sabi, kinakanta pa si SpongeBob SquarePants.

May sarili siyang linya ng sneakers sa Nike, may nagtanong kung ano ang paborito niya.

“LeBron 1, LeBron 7, LeBron 15, LeBron 4,” sagot ni James. “LeBron 2 the most comfortable pair of kicks. The (LeBron) 8.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More