Una sa Balita

Lebron, Cavaliers tiniris ng Raptors

By ,
Salaksak sa basket si LeBron James (23) ng Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors defenders sa Air Canada Centre sa Toronto, Ontario, Canada. (AFP)
0 2,444

Walang magawa si LeBron James kundi panoorin mula sa bench ang blowout losses ng kanyang Cleveland Cavaliers sa 72nd NBA 2017–18 season elims game. 

Natikman ni James at ng Cavs ang pinakamasagwang talo nga­yong season, 133-99, laban sa dinayong Toronto Raptors noong Huwebes ng gabi. 

Sa huling walong laro, anim na beses nang natatalo ang Cavs mula pa nang yumuko sa defending champion Golden State noong Dis. 25. 

Kontra Raptors, tumikada si James ng 26 points, sablay ang unang 11 pukol ni Isaiah Thomas.  

Sinorpresa din ng Minnesota Timberwolves ang Cleveland noong Lunes, 127-99. 

Sa first half, nakunan ng TV cameras si James na parang may sinisigawan sa bench ng Cavs. 

Sa dalawang tambakang talo, may isang ipinaghihimutok si James: “That I haven’t played in the fourth quarter.” 

Umiskor ng career-high 22 points mula sa 6-of-8 3-point shooting si Fred VanVleet, may 15 points at season-high 18 rebounds si Jonas Valanciunas sa panig ng Raptors