Una sa Balita

LeBron ‘binastos’ ni Brown

0 440

IN your face!

Harapang ‘binastos’ at dinakdakan ni Jaylen Brown si ‘The King’ LeBron James sa upa­kan ng Boston Celtics at Los Angeles Lakers kahapon sa 2019-2020 NBA elimination round.

Binigyan ng thunderous at posterized dunk ni Brown si 3-time NBA champion James sa 8:31 mark ng 3rd quarter.

Sumalaksak patu­ngong basket si Brown, iniwan ang dumedepensang si Danny Green.

Nag-take off para sa isang dakdak, sinalubong siya ni LeBron pero walang nagawa ang tangkang pagsupalpal ni ‘The King’ kaya na-in your face dunk siya ni Brown.

Nagpiyesta naman ang mga Boston fan sa social media sa ‘pambabastos’ ni Brown kay LeBron.

“It took y’all all the pride in the world to swallow posting y’all hero get postered,” sey ni netizen @DEVIINE. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More