Una sa Balita

LeBron babalik na sa practice

0 586

MAY green light si LeBron James na sumali sa practice ng Los Angeles Lakers, pero pagkatapos pa ng parating na dalawang road trips ng team.

Dadayuhin ng Lakers­ ang Oklahoma City Thunder ngayong araw (Manila time), isusunod ang Houston Rockets sa Jan. 19 (20 sa Manila). Sa Jan. 22 (araw sa Manila) iho-host naman ang Golden State Warriors sa Staples Center.

December 25 nang abutin ng groin injury si James sa panalo kontra Warriors.

Pagbalik mula sa dalawang road games ay makaka-13 larong absent na si LeBron, kapantay ng pinakamahabang pagliban sa isang season ng four-time MVP.

Sa latest update ng Lakers, sinabi ng team na “(LeBron will) progress towards a return to game play” pagkatapos sumalang sa ensayo sa susunod na linggo.

Papasok na sa pang-apat na linggo ang pagkakatengga ni James, pinakamahabang stretch na hindi siya nag­laro sa 16 na seasons ng kanyang NBA career.

Tinalo ng Lakers (24-21) ang Chicago noong Martes para umangat sa 4-7 habang wala si LeBron.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy