Una sa Balita

LeBron atat na sa ‘Last Dance’ ni MJ

0 496

ISA si LeBron James sa mga tuwang-tuwa na aagahan na ng ESPN at Netflix ang pagpapalabas sa ‘The Last Dance’ documentary tungkol sa huling season at final championship ni Michael Jordan sa Chicago Bulls.

Dati ay June ang scheduled release ng 10-part docu-series, pero nag-lobby sa social media ang fans na walang ibang mapanood dahil tigil ang mundo ng live sports bunga ng coronavirus.

Pinagbigyan ang request, ipapalabas na ang documentary sa April. Tatakbo ito ng limang Sundays mula April 19 hanggang May 17 sa ESPN, kinabukasan ng Monday ay mapapanood na sa Netflix.

“April 19th can’t come fast enough. I can not wait!! Yessir,” tweet ni LeBron.

Nagsimula ang pagkuha ng video footages sa The Last Dance noon pang 1997, pumayag sina Bulls owner Jerry Reinsdorf at head coach Phil Jackson na bumuntot sa team ang isang NBA Entertainment film crew sa buong season.

May interviews at never-before-seen footage mula sa dating teammates ni Jordan kabilang sina Scottie Pippen, Dennis Rodman, Steve Kerr.

May iba pa raw basketball figures na nagbigay ng input o nagpaunlak ng interview.

Noong season na ‘yun ang huli sa pangalawang three-peat ng Bulls, pagkatapos ay nag-retiro sa pangalawang pagkakataon si Jordan.

Noong panahong ‘yun ay bagong pasok si Kobe Bryant sa NBA.

Ang isa sa aabangan ay ang pahayag ng Black Mamba sa kanyang idol at mentor. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More