Una sa Balita

LeBron, Antetokounmpo bida sa All-Star botohan sikat!

By
0 548

MAAGANG nasa trangko sina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks para maging captains ng Western at Eastern Conferences sa NBA All-Star Game.

Ni-release nitong Huwebes ang first returns ng fan voting para sa mid-season extravaganza sa Pebrero 17 (18 sa Manila) sa Spectrum Center sa Charlotte, North Carolina.

Manggagaling sa fans ang 50% ng boto sa 10 starters ng 68th All-Star Game. Tig-25% naman mula sa NBA players at media panel. Kailangan kumpletuhin ang bawat balota – dalawang guards at tatlong frontcourt players ng mag­kabilang conference. Sa Enero 21 isasara ang botohan.

Humamig si James, 14-time All-Star at three-time KIA All-Star MVP, ng 1,083,363 votes para manguna sa West frontcourt. Pumapanga­lawa si Dallas Mave­ricks rookie Luka Doncic (679,839), sunod sina Kevin Durant (659,968) ng Golden State Warriors, Anthony Davis (605,417) ng New Orleans Pelicans at Paul George (580,055) ng Oklahoma City Thunder.

Top five sa West guards, sina Stephen Curry (793,111) ng Warriors, Derrick Rose (698,086) ng Minnesota Timberwolves, James Harden (541,606) ng Houston Rockets, Russell Westbrook (459,792) ng Thunder, at Klay Thompson (247,618) ng Warriors.

Top vote-getter sa East si Antetokounmpo, All-Star sa dalawang seasons niya sa NBA, sa nakuhang 991,561 votes sa frontcourt ng conference. Sa likod niya sina Kawhi Leonard (774,172) ng Toronto Raptors, Joel Embiid (648,002) ng Philadelphia 76ers, Jimmy Butler (222,206) ng Sixers, at Jayson Tatum (214,622) ng Boston Celtics.

Sa guards, una sina Kyrie Irving (910,129) ng Celtics, Dwyane Wade (409,156) ng Miami Heat, Kemba Walker (319,519) ng Charlotte Hornets, Ben Simmons (259,993) ng Sixers, at Victor Oladipo (198,009) ng Indiana Pacers.

Tulad noong 2018 din ang format ng All-Star Game ngayong taon. Magda-draft ang dalawang team captains ng rosters nila mula sa pool ng naibotong star­ters at reserves ng bawat conference. Puwedeng humugot mula sa mag­kabilang conference.
Ang may pinakamaraming boto sa kanyang conference ang magi­ging captain at All-Star starter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy