Una sa Balita

Learning program ng TESDA ipalabas sa telebisyon – Gordon

0 420

Hinikayat ni Senador Richard Gordon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magsagawa ng learning program sa telebisyon o internet upang matuto ang mga tao habang nakatambay lang sa bahay dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“We must make sure na kahit nasa bahay ang mga tao, magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sila, ang TESDA pwede sigurong magkaroon siguro ng program sa TV para matuto sila na makapag-bake, makapag-gupit o makapag-anuman para sa gayon meron tayong mapupuntahan pagkatapos nitong krisis na ito,” paliwanag ni Gordon.

Ayon sa senador, imbes na ubusin ng mga tao ang kanilang oras na panonood ng mga walang kuwentang bagay, mas makabubuting pagtuunan nila ang mga makabuluhang paraan katulad ng pagsali sa mga libreng online seminars o workshops gaya ng free online scriptwriting workshop ng award-winning na screenwriter at novelist na si Ricky Lee.

“I’m sure marami pang ibang ganyan na pwedeng salihan para magkaroon ng karagdagang skills tulad ng mga gumagawa ng washable face masks, face shields, PPEs, at acrylic shield boxes o ‘yung mga nagdedeliver ng pagkain sa mga barangays and frontliners,” dagdag ni Gordon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More