Una sa Balita

‘League of Legends’ 2018 finals, sa Incheon, South Korea

0 73

Magkakasubukan ang pinakamagagaling na electronic sports players sa pagsasagawa ng eSports giant “League of Legends” sa tampok nitong 2018 World Championships simula Oktubre 1-Nobyembre 3 sa dalawang host na siyudad na Gwangju at Incheon sa South Korea.

Hindi pa inihayag ang eksaktong lokasyon at lugar ng paggaganapan ng torneo bagaman sinabi ng “League of Legends” developer na nasa listahan nito at kalendaryo ang 16-team na torneo.

Kabuuang 12 koponan ang nagnanais makaagaw ng silya sa huling tsansang makalaro sa kompetisyon na play-in sa Oktubre 1-7 bago isagawa ang Oktubre 10-17 na group stage.

Ang quarterfinals ay gaganapin simula Oktubre 20-21 bago magharap-harap ang mga semifinalist tungo sa Gwangju para sa Oktubre 27 – 28 na knockout round.

Isasagawa ang Finals sa Nobyembre 3 sa northwest city ng Incheon.

Nagbabalik ang World Championships sa South Korea matapos maging co-host ng Singapore at Taiwan noong 2014.

Tinalo ng South Korean team Samsung Galaxy ang kababayan na South Koreans SK Telecom T1 sa 2017 World Championship finals na pinakahuling aktibidad na isinagawa sa apat na lungsod sa China na nagtala ng online viewership na mahigit 60 million.

Unang nilaro noong 2009, ang kinagigiliwang matinding free-to-play “League of Legends” ay pinaglalaban ang dalawang lima kataong koponan kontra sa bawat isa kung saan ang magkakalaban ay pumipili ng kanilang karakter, abilidad at taktika upang mabigo ang kanilang mga kalaban at durugin ang kanilang base.

Ang laro ay agad na nakaengganyo ng tinatayang 81 milyon na aktibong manlalaro noong 2017 kung saan kumikita ito sa pamamagitan ng pagbebenta sa karakter, costumes, in-game emotes at pampataas na boosters.