Una sa Balita

Lea Talongga pinagtawanan si Sus N Roses

0 485

Tuloy-tuloy at ayaw paawat sa paglaganap ng mga meme sa social media, na kung saan nga ay pinaglalaruan talaga ang mukha ng mga celebrity, mula local hanggang international. Wala talagang ligtas sa social media ngayon.

Hindi naman napigilan ng multi-awarded singer na si Lea Salonga na tawanan ang isa sa mga kumakalat na meme kung saan makikita na si Susan Roces ang bida.

“I could not… just could not stop laughing when I saw this!!!!!!!!!!!” tweet ni Lea.

Sa halip na “Guns N Roses” ay ginawang “Sus N Roses”.

Kung tutuusin, sa dinami-rami ng nagkalat na meme na may mukha ng iba’t ibang artista, ‘yung kay Susan talaga ang pinakabumenta para kay Lea. Well, kani-kaniyang trip naman talaga ‘yan.

Hindi rin naman nagpatalo ang mga fan at binalikan din si Lea ng mga meme na tulad ng “Cochlea” (bahagi ng looban ng tenga), “Lea Talongga” at marami pang iba.

Kakatuwa ang social media ngayon. Ang lakas maka-good vibes! (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More