Una sa Balita

Lea, sure na ‘alaga’ niya ang magwawagi sa The Voice Kids!

By
Joshua at Lea
0 2

Matinding tapatan ng bosesan ang magaganap sa The Voice Kids Season 3 ngayong Sabado at Linggo (Aug 27 at Aug 28) dahil magpapasiklaban na sa huling pagkakataon ang tatlong young artists na iniluklok ng bayan na makatuntong sa Grand Finals.

Humanda nang bumilib sa mga makatindig-balahibong performances na ihahandog nina Joshua, Antonetthe, at Justin na siguradong magpapa­hanga sa mga manonood at muling magiging usapan sa social media.

Abangan din ang kanilang performances kasama ang kanilang coaches, isang upbeat performance, at isang power ballad.

Sa kaso ni Bamboo, nasasabik na raw siyang muling makuha ang pagkapanalo sa kumpetisyon.

“Hindi mo alam kung sino pipiliin ng mga manonood. All we have to do is continue our focus and hope for the best,” sabi naman ni Lea Salonga na naniniwalang sa kanyang team mangga­galing ang susunod na Grand Champion.

Aminadong kinakabahan naman si Sharon Cuneta.

“Kasi siya lang ang babae, pero siguradong magbibigay siya ng kakaibang performance,” say ng Megastar tungkol kay Antonetthe.

Bukod sa nakabibi­lib na performances, tumutok din sa live chat kasama sina Kim Chiu at Robi Domingo at mag-log on sa TheVoice.abs-cbn.com/chat para sa mga exclusive happe­nings habang nagaganap ang Live Finals.

Ang mananalong young artist ay pagkakalooban ng recording contract sa MCA Music, Inc. at mag-uuwi ng house and lot mula sa Camella, at fashion package, P1 million cash at P1 million worth of trust fund mula sa H&M.

Huwag palampasin ang “The Voice Kids” Grand Finals nga­yong Sabado, 7:15PM at Linggo, 7PM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang la­test epi­sodes ng palabas sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.