Una sa Balita

Lea super kilig, nominado sa Grammys

0 557

abante-i-know-better-jun-nardoOpisyal nang Grammy nominee si Lea Salonga. Hindi agad siya makapaniwala nang makarating sa kanya ang balita.

Pumunta sa website ng Grammy si Lea at nakumpirma na nomina­ted siya sa 61st Grammy Awards bilang Best Musical/Theater Album ang Once On This Island na pinagbidahan niya bilang goddess.

Ibinahagi ng international Broadway superstar ang nominasyon niya sa kanyang Instag­ram.

“Had to actually go to Grammy.com to see if it was true. And it’s true! I am officially a Grammy nominee!!! It may be a while before I get any sleep tonight! So thrilled to share this with my Island family. And that at 47 years old, one can still have a thrill first!” caption ni Lea.

Gaganapin ang 61st Grammy Awards sa February 2019.

 

Shiedo Roxas pikit-matang nakipaghalikan sa kapwa lalaki

Pikit-matang sinunod ng baguhang si Shiedo Roxas ang makipaglaplapan kay Ross Pesigan sa festival entry na Rainbow’s Sunset. Sila ang gumanap bilang batang Eddie Garcia (Shiedo) at Tony Mabesa (Ross) na nagkaroon ng relasyon.

“’Yung tongue ko nga, nakatiklop! Ayokong ilabas! Tinanong ako ni Ross kung gusto ko na wet ang lips! No way! Sagot ko sa kanya!” pahayag ni Shiedo nang ipa-interview sa press ng manager niyang si Leo V. Dominguez.

First time niyang humalik ng kapwa lalaki na torrid. ‘Yung experience niya noong bata eh, smack-smack lang kapag naglalaro sila ng barkada niya ng truth or consequence.

Aksidente lang ang pagkakapasok niya sa showbiz. Dati siyang commercial at ramp model. Kaya naman gusto na niyang mag-undergo ng intense acting workshop.

“Overdue na ang pagpasok ko sa showbiz. Pero ready naman ako na gawing career ito,” saad niya.

Tita niya si Ayen Laurel at isang Cuneta ang daddy niya.

Wala pa nga lang network affiliation at ipinauubaya niya ang desisyon sa kanyang manager.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy