Una sa Balita

Lea Salonga binatikos sa ‘abortion’

0 327

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa bansang Amerika (Alabama) ang batas tungkol sa pagpapa-iligal ng abortion dahil sa pahayag ng Presidente nila na si Donald Trump bilang “pro-life” at nais i-ban ang abortion sa lugar na ‘yon.

Umabot na rin sa bansang Pilipinas ang usaping iyon kaya naman nagbahagi na rin ng sentimyento ang bete­ranang singer na si Lea Salonga kaugnay sa nasabing isyu.

Sa litratong ibinahagi ni Lea, may nakasaad na kontekstong “Against abortion? Have a vasectomy” tapos dinagdagan pa niya ng caption na “There. Problem Solved.”

Sumang-ayon naman sa kanya ang American public figure na si Grasan Kingsberry at nag-comment ng “period!” sa naturang post.

Pero marami ring bumatikos sa singer at meron din siyang agarang sagot para sa mga iyon.

Pumalag naman ang singer at sinabing “for the record, I’m not an advocate of abortion. However, I’d like to think that i have the autonomy to decide what I can do for myself and my healthcare.

It’s not up to me to decide what is right for another woman. Sure I have a uterus, but it’s not up to me to make difficult choices for other women whose lives will differ from mine. That is all. As for this post, it’s snarky. White men have chosen to co troll women’­s bodie­s, hence they’ve opened the door for women to control their. Quid pro quo. That is all.” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy