Una sa Balita

Lea, Robert umaapaw sa ligaya ang 15-taon pagsasama

0 784

Kung merong showbiz persona­lity, iconic at super sikat na napanatiling matatag ang personal life na hindi natinag ng fame and fortune ang kanyang marriage life ito ay si Lea Salonga.

Nakaposte sa Instagram wall ni Lea ang close up selfie shot nilang da­lawa ng kanyang hubby na si Robert Chien na kuha sa States, bilang selebrasyon ng kanilang anniversary.

Fifteen years nang kasal si Lea sa iisang lalake at pasasalamat ang laman ng caption niya sa larawan para sa kanyang mister.

@msleasalonga, “happy anniversary to the man that takes me on adventures i’ve never been on!!! Thanks for this holiday, hon!! Love you!!! #15andCounting”.

Malaking bagay rin sa marriage ni Lea ang pagiging private ng kanyang personal life sa social media.

Hindi rin sagad sa trabaho si Lea ‘di tulad ng iba, kaya meron siyang panahon para sa anak at sa asawa.

Isang tunay na role model ang award-winning Broadway star sa ibang showbiz at non-showbiz couple.

***
Ruru, Derrick, Jake, Martin aligaga na sa tag-init

Dalawang buwan pa ang dadaan para summer pero aligaga na ang mga celebrity hunk sa pag­hahanda sa summer.

Nakabalandra na sa social media ang mga abs at super bod nina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Jake Cuenca, Martin Del Rosario para ipakita ang kanilang gym-ripped physique.

Ang iba sinasabing kailangan nilang sunugin ang mga calory na kinain nila during holidays pero wala namang bakas na tumaba sila.

Feeling namin gusto lang i-flaunt ng mga hunk na ito ang kanilang mga katawan para ipagmayabang at inggitin ang iba.

Tagumpay namang makapukaw ng atensyon sa socmed ang kanilang mga half-naked body dahil talaga namang pinaglawayan, pinagnasaan ng kanilang mga fan ang larawan.

Asahang sa mga darating na mga linggo, mas marami pang male star ang magbabalandra ng mga body photo nila.

Tila ayaw pakabog ng mga aktor sa mga female star na walang awat na ipangalandakan ang kanilang sexy bikini photo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy