Una sa Balita

Lea natuwa, super proud kay Ryan as National Artist

By
0 441

Ipinagmalaki talaga ni Lea Salonga ang kanyang kaibigang composer-musician na si Mr. Ryan Ca­yabyab matapos itong parangalan bilang National Artist for Music.

Ayon nga sa kanya, kay ganda ng ating musika dahil sa kanya. Walang duda na well-deserved ito ni Mr. C dahil napakalaki nga naman ang naging kontribusyon nito sa music industry.

Walang dudang isa talaga siya sa icon ng industriyang ito na well-respected at marami ang nagawa sa ikakaangat ng music industry.

Ang kanyang mga musika ay classics na at walang kilalang singer ang hindi niya nakatrabaho at maging ang lahat ng baguhan ay nangangarap na makatrabaho siya.

Samantala, isa namang Oragon ang ginawaran din ng parehong parangal sa larangan naman ng Visual Arts.

Ang yumao nang taga-Daraga, Albay ay nakilala dahil sa kanyang mga cartoon at illustration na naging bahagi na ng kultura ng ating bansa.

Sikat na sikat ang kanyang comic strip na Mang Ambo noong kapanahunan niya na marami ang naka-relate sa kanyang mga obra.
Congrats!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy