Una sa Balita

Lea naloka sa Angel-Tony lampungan

8 milyon view na

By
0 594

abante-paistaran-dondon-serminoPasabog ang iWant original movie na pinagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca na “Glorious” dahil mag-jowa silang dala­wa rito at matindi ang kanilang sexy scenes. Halikan kung halikan talaga!

Umabot na nang halos 9 milyong views ang trailer ng iWant original movie matapos itong i-release. Kaya ramdam na ramdam na papatok talaga ito sa publiko.

Gaganap si Angel bilang 50-year-old na old maid na makikilala ang sariwa at bruskong binatang karakter ni Tony na bente-anyos lang. Aprub na aprub din sa netizens ang May-December affair ng dalawa sa iWant original movie dahil trending agad sa Twitter ang trailer nito.

Isa na nga si Lea Salonga sa excited na mapanood ang iWant original mo­vie at agad na-hook sa mga eksena.

“So, I just saw the sexiest movie trailer I’ve seen in a long time. But, beyond the love scenes its protagonists do, allow it to begin a conversation about seeing older wo­men and younger men on screen,” tweet ng Pinay Broadway singer.

“Who would thought that a 50-year-old woman can have that hot and sexy body? ‘Di ko kinaya yung sexy scenes,” sabi ni @KierViCakeAko.

Marami ang agad nahumaling sa “Glorious”! Available ito for streaming sa iWant simula ngayong Nobyembre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy