Una sa Balita

Lea naiyak sa ‘Crazy Rich Asians’

0 1,140

abante-i-know-better-jun-nardoMatutuwa si Kris Aquino sa capsule review ni Lea Salonga sa Twitter nang mapanood niya ang kinabilangan nitong Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Tumulo raw ang luha nila ng asawang si Rob dahil sa kaligayahan at pagmamalaki dahil sa pagpo-portray sa Asians na kakaiba.

“Crazy Rich Asians was EVERYTHING! Rob and I shed tears of joy and pride, and my daughter watched a film where Asian men are seen as handsome, sexy and smart, and Asian women are multidimensional, beautiful, intelligent and badass! Congratulations, one and all!” tweet ni Lea.

Ai-Ai may pa-birthday party kay Mama Mary ngayon

Magpupugay ngayong araw na ito, September 8, si Ai-Ai delas Alas kaugnay ng kaarawan ni Mama Mary.

Devotee ni Mama Mary ang Comedy Queen at kapag dumarating ang petsang ito, nagdaraos siya ng misa na dinadaluhan ng kanyang mga kaibigan.

Isang misa ang magaganap ngayong alas-11:00 nang umaga sa BF Homes Covered Court na ang mag-o-officiate ay ang mga kaibigang pari na sina Father Allan at Father Jun. Susundan ito ng isang lunch.

Magkakaroon pagkatapos ng gift-giving sa mga matatanda at batang mahirap. Para sa dadalo, humiling si Ai-Ai na magdala ng rosas para i-offer kay Mama Mary.

Galing sa sariling bulsa ng Reyna ng Komedya ang gastusin sa pagpupugay kay Mama Mary.
Samantala, malapit nang magbukas ang isang negosyo ni Ai-Ai na Asian food ang handog.

Ritz nakakatukso ang kaseksihan

Nakaka-inspire ang chemistry sa screen ng tambalan nina Pepe Herrera at Ritz Azul sa una nilang pagsasama sa Regal movie na The Hopeful Romantic.

Kaya naman ang trailer ng movie ay umabot na sa halos 10M views, huh!

Eh pagdating sa katawan din ni Ritz, natural na natural ang ganda ng katawan, na materyales-fuertes talaga ang dating! No wonder, ayon kay Pepe, 110 percent siyang desirable at nakakatukso, huh!