Una sa Balita

Lea naaksidente sa Japan

0 574

Kahit daw nakasaklay ay hindi puwedeng ipa-cancel ni Lea Salonga ang concerts niya sa Singapore, Hong Kong at United Kingdom dahil nakakakanta pa rin naman daw siya, at puwede naman siyang maupo lamang habang kumakanta.

Na-injure kasi ang paa ng International Broadway Star noong magbakasyon sila ng kanyang pamilya sa Japan at nag-try mag-ski sa Hokkaido.

Wedding anniversary kasi nilang mag-asawa kaya naisipan nilang magbakasyon at nangyari nga ang kahit sino ay ayaw mangyari.

Broken ang kanyang tibia na isa sa pinakamalaking buto sa ating katawan, pero hindi raw ito dahilan upang biguin niya ang libo-libong nag-aabang sa kanyang concerts. ‘Yun nga lang, nakaupo lang daw siya sa concert niya, na hindi raw tulad noon na galaw nang galaw.

Nasa proseso pa rin siya ng pagpapagaling, pero other than that, hindi naman apektado ang kanyang daily activities.

Nagpapasalamat din si Lea sa mga nakaala­lang batiin siya at i-wish ang kanyang fast recovery, pero it will take sometime bago siya bumalik sa normal na paglalakad.

Get well soon, Lea! (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy