Una sa Balita

Lea humamig ng masigabong palakpakan sa Tony Awards

0 2,496

Kabilang ang Tony Award-winning actress na si Lea Salonga sa nag-perform sa katatapos lamang na 72nd Tony Awards na ginanap sa Radio City Music Hall in New York City.

Kasama si Lea sa cast ng Broadway revival na Once On This Island at isa ito sa pinalakpakan na production number noong gabing iyon.

“I’ve been on the @TheTonyAwards stage a total of 3 times: first, to receive my Tony, second to perform in the opening number, and third to present. At this fourth time, I will be performing with the rest of the@OnceIslandBway cast,” tweet pa ni Lea.

Namangha ang marami sa magandang set na nilagay sa stage with matching chicken at isang goat.

Nanalo pa bilang Best Revival of a Musical ang Once On This Island at tinalo nito ang mahigpit na kalaban na My Fair Lady at Carousel.

“This is not how I expected this night to go. This is a business where you hear no a lot—to Stephen Flaherty and Lynn Ahrens who said yes. To Paul Liben who said yes when we brought 1000 pounds of sand, two goats, and a chicken into this theatre. To all the people out there who dream about doing what I do and what everyone else in this room does.

“Do not stop asking your question, you can get your yes,” sey pa ng producer ng Once On This Island na si Ken Davenport sa kanyang acceptance speech.

Last year ay isa sa mga presenter si Lea sa 71st Tony Awards at nakapagpa-selfie pa siya kasama sina Mark Hamill, Josh Gad, John Lithgow, Ben Platt, Colbie Smulders, Josh Groban at Lin-Manuel Miranda sa red carpet.

Si Lea ang first Asian actress na nanalo ng Tony Award noong 1991 as Best Actress in a Musical para sa musical na Miss Saigon. (Ruel Mendoza)