Una sa Balita

LBC stagfest 205 entries na

0 781

PINAG-UUSAPAN ang grand opening ng “2019 Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” sa Pasay City Cockpit matapos humatak agad ng 205 entries (July 12 at 19) at kahit sumabay ang bagyong Falcon.

“Marami ang gustong sumali sa early bird stag derby dahil sa mga bagong palahi,” ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.

Puwedeng humabol sa ikatlong elims round sa Lunes, July 22 at sa July 26 ang semis.

Ang iskedyul sa Pasay Cockpit: July 12, 19, 22 at 26 (set A), Aug. 2, 9, 12 at 16 (set B), Aug. 19 at 23 (set C) at Aug. 26 at 30 (4-stag finals). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy