Una sa Balita

LBC stag series sa Pasay ngayon

0 1,476

UMULAN o bumagyo, tuloy ang sagupaan sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayon, Biyernes, Aug. 9 sa Pasay City Cockpit.

Si Mandy Garcia ng Batangas, na may limang entries, ang mangunguna sa 2-stag elims ngayon handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Muntik na sa LBC championship si Garcia nitong 2018 at nasilat lamang sa huling laban upang tumapos na runner-up.

Pasok na sa semifinals sa Aug. 16 ang 17 gamefowl breeders na may dalawang panalo, sa pangunguna ni James Uy ng Manila, na may isa pang entry (5 points) sa set A group.

Ang ibang two pointers: Jun Lovendino, Jervy Maglunob, Ivan Dy, Nestor Vendivil, Sandy Palito, Alex Bocol/NMC, Anteng Bullecer, Toto Gregore, Pinggoy Lagumbay, Andrew Malabag, Edwin Lumbres, Engr. Nong, Leo Gutierrez, Nelson Uy/Dong Chung, RJ Paras at Dr. Ric Tamboong. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy