Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LBC, pinadali ang pagpapadala ng pera ngayong Pasko sa Instant Peso Padala

0 878

Mas pinadali ng LBC ang pagpapadala ng pera at pagre-remit sa Instant Peso Padala! Sa bago nilang serbisyo, maaari nang mag-claim ng pera sa Palawan Express, Cebuana Lhuillier, at M. Lhullier. At dahil mas pinababa pa ang rates ng LBC, sulit ang bawat padala.

Sakto ang serbisyong ito para sa madaliang transfer ng pera para sa pang-araw araw na gastos. Timing din ito sa Pasko kung kailan maraming nagpapadala ng pera sa mga minamahal nila sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas! Hindi na kailangang pumila nang mahaba sa LBC Express branches o remmitance partners. Ngayon, puwedeng kumpletuhin ang buong transaksyon online!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad-agaran ang resulta sa Instant Peso Padala. Para makapag-transfer ng pera, kailangan lang pumunta sa official IPP website at kumpletuhin ang form. Pag nakatanggap ang sender ng Reference Number sa email, maaari na siyang magpadala ng pera sa bank accounts ng LBC. Kailangan lang i-upload ng sender ang Proof of Credit (patunay na naipadala na ang pera). Padadalhan siya resibo kung saan nakalakip ang tracking number.

Para makapag-remit, isang ID na lang ang kailangan. Kailangan lang mag-fill out ng encashment form at maaari nang makuha kaagad ang pera. Mabilis, madali at hassle-free ang transaksyon.

Lalong pina-wow ng LBC ang pera padala dahil sa pinababang rates, pinasimpleng proseso, pinalawak na network at online transactions. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Instant Peso Padala, bisitahin ang kanilang official site.

Leave A Reply

Your email address will not be published.